Cris: "Me kakilala ka bang malapit ke Prof. Winnie Monsod? Kung meron, papatulong sana ako."
Tasyo: "Ha? Bakit? Tungkol Saan?"
Cris: "Eh baka matulungan ako sa aking request?"
Tasyo: "Ano nga?"
Cris: "Na talakayin niya sa bago niyang programa "Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie" yata yun sa Channel 11, yung free news TV ng GMA, ang mga isyu sa tax ni tycoon Lucio Tan."
Tasyo: "Bakit naman sa dinamidami ng mga maiinit na isyu eh si Tan pa ang napili mo, di ba pinalamig na ng panahon ang mga kaso niya?"
Cris: "Yun na nga, nakapagtataka kung bakit pinalalamig ang isang nagbabagang eskandalo. At isa pa, sa obserbasyon ko nga eh di man lamang na naiinitan ng spotlight, nadaanan man lang ng TV camera, o natanong man lamang ng 'how's business Sir' si Tan nang sino man sa mga public-info-news-readers-hosts dito sa PH. Kulang sa exposure sabi nga."
Tasyo: "Hmmm, you have a point there. But let's see if mareng Winnie will bite the hand that feeds her, and if that same hand will bite the hand that feeds and corrupts..."
Cris: "Ah eh, ano ulit yun? Naligaw ako."
Tasyo: "Tobacco money feeds a lot as well as it soils people and organizations in government as well as in the business of news and public information."
:-)
No comments:
Post a Comment